Goodnews! Ang SSS at GSIS ay mag ooffer ng calamity at emergency loans sa lahat ng members at pensioners na naapektuhan nitong mga dumaang bagyo.
Sa advisory ng SSS ay sinabi nitong magkakaroon ng assistance package simula ngayon November 27, 2020 sa lahat ng members at pensioners sa lugar na napasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Quinta, Rolly at Ullyses.
Kasama sa ibibigay na packange ng SSS ang Calamity Loan Assistance Program, Three-month Advance Pension for SS and Employees’ Compensation pensioners, Direct House Repair at Improvement Loan.
Ang pag apply para makakuha ng Calamity loan assistance program ay magsisimula ngayong November 27 hanggang February 26, 2021.
Maliban sa SSS ang GSIS ay mag ooffer din ng emergency loans sa kanilang mga members at pensioners na naapektuhan ng mga nakaraang bagyo.
“Members and pensioners may borrow ₱20,000 under the GSIS Emergency Loan Program. The loan is payable in 36 equal monthly installments at only 6% interest rate,” GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet said in a statement.
“Para sa GSIS members na nakapag-loan na sa COVID-19 Emergency Loan Program at hindi na kwalipikado sa emergency loan, pwede kayong manghiram sa Multi-Purpose Loan Program kung kailangan ninyo pa ng pondo. The GSIS multi-purpose loan is a low-interest loan with a one-time waiver of surcharges of your other loan accounts,” Macasaet added.